CALL FOR SUPPORT for the oil spill-affected communities in Mindoro Oriental
Isang buwan mula nang tumagas ang langis lulan ng MT Princess Empress sa Mindoro, nagsagawa ng pag-aaral and AGHAM, Center for Environmental Concerns – Philippines, Brigada Kalikasan, at Southern Tagalog Serve The People Corps sa epekto ng oil spill sa kalikasan, kabuhayan at kalusugan ng mga apektadong komunidad.
Sa bayan ng Pola, 87.5% ng mga residente ng Brgy. Misong at Tagumpay ang nagreport na nakalanghap ng langis mula sa kanilang mga dalampasigan, ilog, bakawan, bahura, buhangin, isda, at iba pa. Buhat ng kawalan ng kanilang hanapbuhay dahil sa fishing ban, isang pangamba ang maaaring epekto ng pagkain ng balatan (sandfish, Holothuri scabra) at hanginan (Stichopus spp.), mga uri ng sea cucumbers na maaaring nakontamina ng buhanging nabahiran ng langis. Nasa 41% ng mga mamamayan ang nagreport ng nakaranas ng ubo, lagnat, pagtatae, at iba pang mga sintomas na sa kanilang palagay ay sanhi ng langis. 81.5% ang nagsabing hindi sapat ang ayudang natatanggap, samantalang 95% ang nangangailangan ng tulong pinansyal.
Sa bayan ng Calapan, mayroong mga bakas ng kaunting langis sa dagat, buhangin, at mga batuhan. Mayroon ring namataang mga tar balls at oil stains sa Harka Piloto, isang fish sanctuary ng Lazareto.
Bagama’t hindi pa lubos na apektado ng langis ang kanilang kalikasan at kalusugan, napakalaking dagok pa rin ang epekto ng oil spill sa kanilang kabuhayan, lalo na sa mga mangingisda. Nakita ito kahirapan sa pagbabayad ng utang, mga estudyante na hindi makapasok sa kawalan ng pamasahe, at mga napilitan na lang umalis at magtrabaho sa ibang lugar. Manipestasyon ito na mas malaki ang epekto ng oil spill dahil sa fishing ban, kaysa sa lawak ng langis na nakikita ng mga mata. Lahat ng mga residenteng aming nasurvey ay nagsabing hindi sapat ang kasalukuyang kinikita.
Kailangan namin ng inyong suporta! Upang suportahan ang mga komunidad sa Pola at Calapan, maaaring mag donate sa mga sumusunod, sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code:
GCASH
H. R. T (i-scan ang QR code)
BPI
Hannah Mae D. Sucgang
8919 1486 68
Anumang halaga ay malaking tulong para sa ating mga kababayang apektado ng man-made disaster na ito. Maraming salamat!
0 Comments