Advocates of Science and Technology for the People

PAARALAN

Here's to share with you a poem recited in last December's AGHAM Christmas Party by a renowned poet of his time.  He is a dear friend of AGHAM and Agham Youth, the Filipino farmers and all oppressed people.  An agriculturist, who has chosen to work closely with the farmers and serve them, the author of the recently published book - TUGMAANG MATATABIL*-- Axel Pinpin.

* available at Popular Bookstore in Timog Avenue
http://www.arkibongbayan.org/2008-12Dec07-2booklaunchings/booklaunchings.htm

Tugmaang Matatabil
PAARALAN
Axel Pinpin

Horti 31:
Sa isang klasrum sa Department of Plant Science
pumasok akong pagiray-giray
dahil lango pa ako sa Tanduay.
Nauutal akong inusal
ang Lycopersicon esculentum,
ang Oryza sativa,
ang Lansium domesticum,
at Hibiscus rosa-sinensis –
nagtapos ako ng kurso
at kinilalang pinaka-promising na mag-aaral ng departamento.

LRP:
Sa isang arkiladong UG-house
sa baryong di-maaaring banggitin kung saan,
pumasok akong bitbit ang Tanduay at pulutan
para magsilbing prente at gawing disimulado ang pag-aaral.
Inusal kong parang dasal
ang Imperyalismo,
ang Pyudalismo,
ang Burukrata-Kapitalismo
at Sosyalismo –
nagtapos ako ng pang-masang kurso
at kinilalang napaka-promising ang inaral na dokumento.

Practical Arts:
Sa maraming taniman ng maglulupa at piketlayn ng – hindi Tanduay –
kundi’y ng Nestle sa Cabuyao,
pumasok akong nagmamartsa;
hulas sa kalasingan ng burgesya at handa sa agham ng pakikibaka.
Matatas kong binigkas sa masa
ang ugnayan ng kamatis (na ang scientific name ay Lycopersicon esculentum)
na ginagawang tomato sauce ng mga kapitalista –
sa Imperyalismo,
ang ugnayan ng palay (na ang scientific name ay Oryza sativa)
na pinagtatamasaan ng mga panginoong maylupa –
sa Pyudalismo,
ang ugnayan ng lansones (na ang scientific name ay Lansium domesticum)
na isinugal nang patalo ng gobyerno sa “malayang-komersyo”,
sa Burukrata-Kapitalismo,
at ang ugnayan ng gumamela (na ang scientific name ay Hibiscus rosa-sinensis)
na kapag namukadkad ay tulad ng pumupulang tagumpay –
sa Sosyalismo.

Tatapusin ko ang diskurso
At kikilalanin ang pangako at katiyakan ng Diktadurya ng Proletaryado.

ALEX