Baloon Flying and No to Con-Ass event
Solidarity Messages from Friends and other NGO's
AGHAM Youth:
Madalas magkatuwang ang Agham at Agham Youth sa mga proyektong naglalayong pagsilbihin ang agham at teknolohiya sa bayan.Hindi lang isa o dalawa ang mga ito, kundi napakadamiiiiiiiiii. Sa mga forum man yan, mga kampanya, mga rally, training, discussion groups, fact finding missions, exposure trips, at integration sa mga communities, madalas naming makasama ang mga ate, kuya, tito at tita sa agham na madalas maging speaker at kung minsan...pledger. :)
Sa mga taga Agham sa kanilang ika-sampung taon, mabuhay kayo. Ipagpatuloy pa ang pagpapakahusay hindi lamang sa mga napiling propesyon kundi pati sa paglilingkod sa bayan gamit ang agham at teknolohiya.
Shoko Murakami / Takagi Fund for Citizen Science:
Here is our message to your 10th anniversary--
Congratulation. Our founder, Jinzaburo Takagi said "Citizen Science must sow the seeds of hope into the hearts of people, organize people, and generate a flow leading to a revolutionary change." We think we share the same goal and are grateful for the synchronicity of our work between Philippines and Japan.
YUT Bulacan:
isang maalab na pagbati ang ipinapaabot ng youth united for truth (yut) sa lahat ng magigiting na kasapi ng AGHAM para sa kanilang ika - taong anibersaryo. Malaki ang naging ambag ng AGHAM sa pagbibigay linaw sa planong pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant sa talakayang isinagawa ng aming organisasyon hinggil sa "Katotohanan sa likod ng BNPP." Sa kasalukuyang kalagayan ng Agham at Teknolohiya sa bansa, na sadyang pinapabansot upang patuloy tayong umasa sa malalaking bansa katulad ng US at sumunod sa dikta ng globalisasyon, napakalaking hamon ang kinakaharap ng AGHAM bilang pangunahing tagapagtaguyod ng pagpapa-unlad ng Agham at Teknolohiya para sa sambayanan. Naniniwala ang YUT na malaking parte ang gagampanan ng inyong organisasyon upang makamit natin ang ating pinapangarap na magkaroon ng "tunay" na kaunlaran sa ating bansa, at malaki pa ang kaya nitong ibahagi sa pagsisiwalat ng katotohanan sa kaliwa't kanang huwad na proyektong pang-kaunlaran.
Alay Bayan
http://docs.google.com/View?docID=dgf6jp84_94fq93h7dd&revision=_latest
Center for Women’s Resources Inc. (CWR)
http://docs.google.com/View?docID=0AUJ8oQdyPIFHZGdmNmpwODRfOTlneDQ2NHdqc...
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)
http://docs.google.com/View?docID=0AUJ8oQdyPIFHZGdmNmpwODRfOTZmZDZzNmdnd...
Management Advancement Systems Association, Inc. (MASAI)
http://docs.google.com/View?docID=0AUJ8oQdyPIFHZGdmNmpwODRfOThjZ2gzZHJmY...